3.03.2005

Kalawang at Tupperware



Aaaah! Mahabang panahon din akong napahinto sa aking pagsusulat. At tyak ko, madami ang nangyari sa mga bagay-bagay at buhay-buhay. Pero hindi na para isa-isahin ko yun. Sapat na yung andito muli ako para magsanay sa muling pakikibaka sa buhay.

Parang ang layo naman ng aking pamagat. "Kalawang at Tupperware"..isang salitang tagalog at isang salitang ingles. Hindi nga makita ng iba ang kanilang relasyon sa isa't-isa.

Sa mundong ito, isang bagay ang sumisira sa bakal... ang kalawang. Kahit anong tibay ng isang bakal, kapag nagkaroon ng kalawang, unti-unti nitong kakainin ang bakal hanggang sa ito ay maging marupok at sa kalaunan ay masira.

Tulad sa isang bakal, kahit anong tibay ng pagkakaibigan, tyak darating ang isang kalawang na sisira dito.

Ang tupperware, sa isang banda, ay nangangahulugan ng isang produktong matibay at maaasahan. Pero sa kabilang banda, ito ay plastik lamang. Hindi totoo at may halong pagkukunwari.

Sa isang relasyon ng pagkakaibigan, malalaman mo ang isang tunay na kaibigan o ang isang tupperware sa panahon ng matinding pagsubok.

Kung paano malalaman ang kung ang isang "kaibigan" ay kalawang o isang tupperware, tanging ikaw lang ang makakaalam. Pero kailangang kilalanin mo muna ang iyong sarili. Dahil baka naman kalawang o tupperware ka rin sa iba.

Kung ako ang tatanungin, ang mag-isip ng masama sa isang kaibigan ay hindi tunay na kaibigan. Ang magsalita ng patalikod ay hindi gawain ng isang tunay na kaibigan. Ang mainggit sa iyong kaibigan ay hindi gawain ng isang tunay na kaibigan. At ang magkunwari na isa kang kaibigan, sa isang tao, ay hindi tunay na kaibigan.

Kayo, kilala nyo ba ang mga kalawang at tupperware sa buhay ninyo? Ingat lang pag nanalamin kayo! Baka makita ninyo ang sarili ninyo.

Ako, nakakatulog ako ng mahimbing.... at naghihilik pa!

Batman dumayo sa Batangas

Nanang ko po!  Matagal na pala ng huli akong magsulat dito... Mahigit isang taon na naman ang lumipas.  Hay naku!  Dapat Medyo sipagin na ak...