7.29.2007

Agosto 2007


Dalawang taon at mahigit na pala ang nakalipas nung huli akong magsulat... mahaba-habang panahon na talaga. At kung susulatin ko lahat ng nangyari, aba, baka abutin na ulit tayo ng dalawang taon...

Ano na ba ang huling kaganapan sa aking buhay?

Matapos ang mahabang panahon na pagtatrabaho sa isang kumpanya (14 na taon lang naman ng aking buhay) nagdesisyon na akong umalis sa napakaraming dahilan, sa kabila ng pagtutol ng ilan, at kagustuhan ng nakararaming kaibigan, kapuso at kapamilya. Ginugol ko ang ilang panahon sa pamamahinga, pag-iisip at pagninilay, upang mabigyan ng pagkakataon ang aking sarili na maging masaya at maging handa sa darating pang mga pagsubok.

Sa simula ng 2007, sinimulan ko muli ang isang malaking hakbang at hamon sa aking buhay. Kasama ang aking mga kaibigan, nagtayo kami ng isang maliit kumpanya. Siguro, dumating ako/kami sa puntong nais ko naman/naming masubukan ang maging may ari ng kumpanya, sawa na siguro kami sa pagiging empleyado lamang. hehehe.

Kaakibat ang lakas ng loob, maliit na puhunan, at karanasang nagsilbing malaking pundasyon ng aming buhay sinimulan nga namin ang kumpanyang magpapabago ng aming buhay.

At ngayon, malapit na Agosto 2007, unti-unti naming nakikita ang bunga ng aming paghihirap... at nawa ay maging maganda ang mga padarating pang mga panahon.

patuloy pa rin ang hamon ng buhay, patuloy pa rin ang aking pakikibaka sa mga hamon ng buhay, ngunit ako ay naniniwala na malalampasan ko ito ng matiwasay... natagpuan ko na ang kapanatagan ng loob... at para sa isang taong dumaan na sa napakaraming pagsubok sa buhay, napakalaking bagay yun...

hanggang sa susunod...


Batman dumayo sa Batangas

Nanang ko po!  Matagal na pala ng huli akong magsulat dito... Mahigit isang taon na naman ang lumipas.  Hay naku!  Dapat Medyo sipagin na ak...