9.27.2007

Halo-halong hinalo



Naisip ko lang ang mga maliliit na "tula" na ginawa ko nung hayskul pa ako, o kapag may naiisipan lang hehehe, kalimitan, pag napapaisip ng sasabihin sa crush o sa mahal hehehe:

J - une-July sa aming paaralan
U - nang nakita kanyang kariktan
L - ista at talagang maganda
I - tong si JULIETA na aking nakilala
E - to nga lang ang siste tuwing sya'y nakikita
T - ila ako ay mahihimatay sa saya,
A - t... (nahimatay na)

D - ays may pass and seasons too
O - only my love for you will never do
R - ain or shine i'll remember you
C - oz i like/love you
A - nd nothing can stop me from loving you
S - o sincerely...

sayang at ito lang yung dalawa na talagang tanda ko na nakaukit sa isipan ko... hehehe

Kamakailan, muli akong nakagawa ng mga ganito:

S - ikat ng araw ay patindi na
T - unay na kay ganda ng ating umaga
A - ng bawat kaibigan ay napapasaya
R - ing ng cellphone dala ay ligaya
L - alo at text at galing sa kanila
E - to lang ang problema, ako ay antok na
T - iyak ako ay mapapaidlip na
Z - zzz
Z - zzzz

L - elaz, Lelaz, o aking giliw na kaibigan
E - h ipagpatawad aking kapangahasan
L - akas tama ng antok sa aking katawan
A - t kht nkagawa ng tula alay sa starletzz na hirang
Z - leep na ako tlaga zzzzz

T - v chat dun kita nakita
I - nakala ko ito'y pansamantala
N - gunit ako'y nagulat at di pala
A - t yun ay dahil kaibigan na kita

9.07.2007

09-07-2007


wala lang, gusto ko lang batiin ang sarili ko ng Maligayang Kaarawan... 38 ka na! tanda mo na!

sa aking pamilya (lalo't higit kay Nanay), sa aking ka-puso, sa aking mga kaibigan, sa lahat ng mahal sa buhay, at higit sa lahat, sa Poong Maykapal... SALAMAT, MARAMING SALAMAT!!!

sa pagmamahal, sa pagtitiyaga, sa pangunawa, sa pagtitiis, sa paghihirap, sa pag-intindi, pag-aalaga, sa lahat lahat...

salamat...

8.28.2007

Setyembre

Setyembre na pala... ang bilis naman ng panahon.. parang yung huling post ko ay kasisimula pa lang ng Agosto, ngayon, patapos na ang buwan.

So ano ba meron sa Setyembre? Aba, oo nga ano, kaarawan ko na pala... hehehe.. Ano ba plano ko ngayon? Saan ko ba ipagdiriwang yun? Ano kaya regalo ko sa sarili ko? hahaha.

Muli kong inalam kung ano ako sa Chinese Zodiac or Horoscope. Matagal ko ng alam na ako ay Rooster o Tandang, pero di ko alam kung anong klase or anong elemento. Ako pala ay Earth Rooster... kaya pala madami sa ugali ko ay ganun. hehehe.. o iniisip ko lang na ganun.

Setyembre na naman, panibagong buwan, panibagong pakikipagsapalaran, panibagong panahon, tatanda na naman ako... hehehe.

Pero ayaw ko munang isipin yun... ang mahalaga, ay importante!


nangungulit lang po.

8.10.2007

Liham ni Nanay.. (sagot sa Liham ko kay Nanay)

Matapos naming maibigay at mabasa ang aming mga sulat para kay Nanay, nagulat kaming lahat sapagkat may mga liham din pala sya para sa aming magkakapatid. At ito ang nilalaman ng kanyang sulat sa akin:

Dear tam,

Alam kong sa kabila ng iyong pagiging abala sa trabaho ay nabigyan mo ng panahon ang aking ika-75 na kaarawan. Maligaya ako at tayo'y sama-sama sa araw na ito. Wala akong masabi maliban sa maraming salamat sa Panginoon.

Dalangin ko, na nawa'y huwag kang magkasakit at maging ligtas sa anumang karamdaman. Alam mo naman kung paano mo aalagaan ang iyong sarili upang hindi magkasakit. Bawal magkasakit. Masakit sa bulsa.

Mag-ipon para sa iyo, para sa iyo at para sa iyo pa rin. Tawa naman diyan. Ikaw ang bunsoy naming lahat.

Maraming salamat

God Bless You

Nagmamahal,

Inay

8.09.2007

Liham ko kay Nanay.. para sa kanyang kaarawan

Agosto 8, 2007, ipinagdiwang ng aking Nanay ang kanyang ika-75 na kaarawan. At bilang tanda ng aming pagmamahal, naisipan naming mga kapatid na maghandog ng liham o sulat para sa kanya... at ito ang aking liham:

Nanay,

Nanay, Inay, Nanang, Nay, Mama, Mommy… mga salitang ating tinatawag sa iisang tao… ang tanging babae na nagsilang at nag-aruga sa atin mula sa pagkabata hanggang sa paglaki.

Pero para sa akin, at sa aking mga kapatid, NANAY ang salitang nababagay sa iyo… MAMA DAIZ pa kung minsan, at LOLABAY para sa iyong mga apo..

Kaarawan mo na naman, at tulad ng mga nakaraang taon, muli na naman tayong magkikita at magkakasama. May mga nakahandang pagkain, dekorasyon at palamuti. And this time, aba, swimming venue pa.

Pero bakit nga ba tayo ay andito? Ito ay upang pasalamatan ka sa lahat lahat ng ginawa mo para sa amin.

At ako, bilang BUNSO mo, ay nais magpasalamat sa lahat ng ipinagkaloob mo sa akin. Una, sa buhay na bigay, pangalawa sa pagbuhay, at pangatlo, sa panibagong buhay.

Hindi ko kayang bangggitin ang pasasalamat ko sa lahat ng ginawa mo para sa akin, mula pagkabata at hanggang sa ngayon.

Pero nais kitang pasalamatan sa lahat ng pang-unawa at pagpapahalaga mo sa akin at sa aking pagkatao. Hindi mo kailanman tinanong ang mga naging desisyon ko sa buhay, kung ito man ay maganda o hindi. Patuloy kang sumuporta at naniwala sa aking kakayahan at kagustuhan. Matiyaga kang nag-obserba sa labas ng mundo ko, pero patuloy kang gumagabay at umuunawa.

Sa lahat ng pagkalugmok ko, andyan ka para tulungan akong bumangon muli. Andyan din pati ang aking mga kapatid na iyong pinalaki sa magandang paraan. Hindi iilang kaibigan at pamilya ang nagsabi na napakaganda ng ginawa mong pagpapalaki sa amin. At iyon ay lubusan naming pinagpapasalamat sa iyo. Maaring tayo ay salat sa yaman o karangyaan, pero naguumapaw naman sa atin ang pagmamahalan at pagtutulungan.

At sa inyong kaarawan, ito ay muling selebrasyon ng panibagong yugto ng ating mga buhay. Ito ay muling pasasalamat sa mga blessings, at higit sa lahat, ito ay pasasalamat sa Iyo, ang aming pinakamamahal na Nanay.


Nagmamahal,

Bunso

7.29.2007

Agosto 2007


Dalawang taon at mahigit na pala ang nakalipas nung huli akong magsulat... mahaba-habang panahon na talaga. At kung susulatin ko lahat ng nangyari, aba, baka abutin na ulit tayo ng dalawang taon...

Ano na ba ang huling kaganapan sa aking buhay?

Matapos ang mahabang panahon na pagtatrabaho sa isang kumpanya (14 na taon lang naman ng aking buhay) nagdesisyon na akong umalis sa napakaraming dahilan, sa kabila ng pagtutol ng ilan, at kagustuhan ng nakararaming kaibigan, kapuso at kapamilya. Ginugol ko ang ilang panahon sa pamamahinga, pag-iisip at pagninilay, upang mabigyan ng pagkakataon ang aking sarili na maging masaya at maging handa sa darating pang mga pagsubok.

Sa simula ng 2007, sinimulan ko muli ang isang malaking hakbang at hamon sa aking buhay. Kasama ang aking mga kaibigan, nagtayo kami ng isang maliit kumpanya. Siguro, dumating ako/kami sa puntong nais ko naman/naming masubukan ang maging may ari ng kumpanya, sawa na siguro kami sa pagiging empleyado lamang. hehehe.

Kaakibat ang lakas ng loob, maliit na puhunan, at karanasang nagsilbing malaking pundasyon ng aming buhay sinimulan nga namin ang kumpanyang magpapabago ng aming buhay.

At ngayon, malapit na Agosto 2007, unti-unti naming nakikita ang bunga ng aming paghihirap... at nawa ay maging maganda ang mga padarating pang mga panahon.

patuloy pa rin ang hamon ng buhay, patuloy pa rin ang aking pakikibaka sa mga hamon ng buhay, ngunit ako ay naniniwala na malalampasan ko ito ng matiwasay... natagpuan ko na ang kapanatagan ng loob... at para sa isang taong dumaan na sa napakaraming pagsubok sa buhay, napakalaking bagay yun...

hanggang sa susunod...


Batman dumayo sa Batangas

Nanang ko po!  Matagal na pala ng huli akong magsulat dito... Mahigit isang taon na naman ang lumipas.  Hay naku!  Dapat Medyo sipagin na ak...