Ito ay umikot sa pamamagitan ng text at email. Gusto ko lang i-post dito... Wala lang!
Dalawang aksidente o pangyayari sa paglalahad ng isang Batangueno
EROPLANO BUMULUSOK SA BATANGAS
REPORTER: Manong, pakilarawan po ang nangyari.
LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!
REPORTER: Ho?
ISANG JEEPNEY, NABANGGA
REPORTER: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?
LOLO: Ay uwo! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!
REPORTER: 'Sensya na po sa abala.
LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman! Hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kitse. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!
REPORTER: Ano raw?
MGA KASABIHAN:
"Do not do unto others, what you don't want others to do unto you"
Batangenyo Translation:
"Huwag kayong gay-an.. kung maggagay-an kayo, huwag gay-on"
Batman dumayo sa Batangas
Nanang ko po! Matagal na pala ng huli akong magsulat dito... Mahigit isang taon na naman ang lumipas. Hay naku! Dapat Medyo sipagin na ak...
-
Agosto 8, 2007, ipinagdiwang ng aking Nanay ang kanyang ika-75 na kaarawan. At bilang tanda ng aming pagmamahal, naisipan naming mga kapatid...
-
Noong nakaraang Nobyembre 1, Araw ng mga Patay, may kung anong kakulitan ang sumapi sa utak ng aking pamangking si Nonoy. Gamit ang camera n...
-
TROPA - grupo o samahan, kaibigan TUNAY - totoo, di plastik Akala ko, tuluyan ko ng iniwan ang ChaTv noong 2008 dahil sa mga personal na d...