9.27.2007
Halo-halong hinalo
Naisip ko lang ang mga maliliit na "tula" na ginawa ko nung hayskul pa ako, o kapag may naiisipan lang hehehe, kalimitan, pag napapaisip ng sasabihin sa crush o sa mahal hehehe:
J - une-July sa aming paaralan
U - nang nakita kanyang kariktan
L - ista at talagang maganda
I - tong si JULIETA na aking nakilala
E - to nga lang ang siste tuwing sya'y nakikita
T - ila ako ay mahihimatay sa saya,
A - t... (nahimatay na)
D - ays may pass and seasons too
O - only my love for you will never do
R - ain or shine i'll remember you
C - oz i like/love you
A - nd nothing can stop me from loving you
S - o sincerely...
sayang at ito lang yung dalawa na talagang tanda ko na nakaukit sa isipan ko... hehehe
Kamakailan, muli akong nakagawa ng mga ganito:
S - ikat ng araw ay patindi na
T - unay na kay ganda ng ating umaga
A - ng bawat kaibigan ay napapasaya
R - ing ng cellphone dala ay ligaya
L - alo at text at galing sa kanila
E - to lang ang problema, ako ay antok na
T - iyak ako ay mapapaidlip na
Z - zzz
Z - zzzz
L - elaz, Lelaz, o aking giliw na kaibigan
E - h ipagpatawad aking kapangahasan
L - akas tama ng antok sa aking katawan
A - t kht nkagawa ng tula alay sa starletzz na hirang
Z - leep na ako tlaga zzzzz
T - v chat dun kita nakita
I - nakala ko ito'y pansamantala
N - gunit ako'y nagulat at di pala
A - t yun ay dahil kaibigan na kita
9.07.2007
09-07-2007
wala lang, gusto ko lang batiin ang sarili ko ng Maligayang Kaarawan... 38 ka na! tanda mo na!
sa aking pamilya (lalo't higit kay Nanay), sa aking ka-puso, sa aking mga kaibigan, sa lahat ng mahal sa buhay, at higit sa lahat, sa Poong Maykapal... SALAMAT, MARAMING SALAMAT!!!
sa pagmamahal, sa pagtitiyaga, sa pangunawa, sa pagtitiis, sa paghihirap, sa pag-intindi, pag-aalaga, sa lahat lahat...
salamat...
Batman dumayo sa Batangas
Nanang ko po! Matagal na pala ng huli akong magsulat dito... Mahigit isang taon na naman ang lumipas. Hay naku! Dapat Medyo sipagin na ak...
-
Agosto 8, 2007, ipinagdiwang ng aking Nanay ang kanyang ika-75 na kaarawan. At bilang tanda ng aming pagmamahal, naisipan naming mga kapatid...
-
Noong nakaraang Nobyembre 1, Araw ng mga Patay, may kung anong kakulitan ang sumapi sa utak ng aking pamangking si Nonoy. Gamit ang camera n...
-
TROPA - grupo o samahan, kaibigan TUNAY - totoo, di plastik Akala ko, tuluyan ko ng iniwan ang ChaTv noong 2008 dahil sa mga personal na d...