Tag-ulan na naman... Mahirap maglakad sa Mantrade kasi bumabaha... Alam nyo ba?natuwa ako sa mga batang Kalabit-Enge nung isang araw... Kasi hindi na sila hantarang nanghihingi! May kakaiba silang paraan ng pagkita ng barya kahit umuulan...
Ang ginawa nila, dahil nga baha, gumawa sila ng mga tulay-tawiran mula sa mga bato at kahoy! Patatawirin ka nila kapalit ng barya! Aba! Hindi masamang magbigay ng konting barya huwag ka lang malublob sa baha di ba? Saka sa ganitong paraan, masasabi mong pinaghirapan naman nila ang kanilang kinikita hindi gaya ng dating Kalabi-Enge pa sila! Mabubuting Bata!
Pero ano itong naobserbahan ko isang araw ng pagpasok kong muli? Andun pa rin ang mga bata kahit hindi masyadong umuulan! Saka bakit baha pa rin??? Hay naku! Nagulat ako sa aking nakita! Isang batang Kalabit-Enge ang nag-iigib ng tubig sa kanyang maliit na lata at ibinubuhos sa lugar ng baha! Kaya pala laging may baha! Kaya tuloy walang magawa ang mga naglalakad kundi gumamit ng tulay-tawiran at magbigay ng barya sa mga bata! Haaay! Wais talaga ang mga bata! Para madagdagan ang kinikita, kahit gawa-gawang baha, kahit walang ulan, patuloy lang ang raket, errr, hanapbuhay! Kaya nakapagtatakang kailangan pang ipatupad ang Bridge Program ng DepEd eh kitang-kita ang katusuhan, err, katalinuhan ng mga bata!
6.09.2004
Baha! Baha! sa Mata ng mga Kalabit-Enge
Batman dumayo sa Batangas
Nanang ko po! Matagal na pala ng huli akong magsulat dito... Mahigit isang taon na naman ang lumipas. Hay naku! Dapat Medyo sipagin na ak...
-
Agosto 8, 2007, ipinagdiwang ng aking Nanay ang kanyang ika-75 na kaarawan. At bilang tanda ng aming pagmamahal, naisipan naming mga kapatid...
-
Noong nakaraang Nobyembre 1, Araw ng mga Patay, may kung anong kakulitan ang sumapi sa utak ng aking pamangking si Nonoy. Gamit ang camera n...
-
TROPA - grupo o samahan, kaibigan TUNAY - totoo, di plastik Akala ko, tuluyan ko ng iniwan ang ChaTv noong 2008 dahil sa mga personal na d...
No comments:
Post a Comment