Sabi ng iba, mas mabilis ang kamay sa mata... At ito ay mariing itinanggi ng ilan. Para sa kanila, mas mabilis ang mata kaysa sa kamay. Ito ang debateng nasa isipan ko, isang gabing pauwi ako galing opisina. Habang ako ay nasa MRT, bigla kong naisipang subukang ipasailalim sa pagsubok ang isyung ito.. ooops! hindi ako gagawa ng salamangka... eto ang kuwento.
Kung kayo ay regular na gumagamit ng MRT sa paglalakbay sa EDSA, maaaring napansin nyo ang isang-mala-kuwebang kadiliman mula Guadalupe hanggang Buendia or mula Buendia papuntang Guadalupe. Tyak napansin mo ang isang tambak na ilaw sa kaliwa at kanang bahagi ng lagusan. Dito ko sinubok ang bilis ng aking mata! na sana ay subukan mo rin! Madali lang, sagutin lang ang aking katanungan: "Ilang ilaw meron sa kanang bahagi kung ikaw ay galing Guadalupe papuntang Buendia?" hehehe... madali lang di ba? Subukan mo ang bilis ng iyong mata! Kapag nagtugma ang ating bilang, bibigyan ko gantimpala! Kya aabangan ko ang iyong kasagutan kaibigan...
Hanggang sa susunod!
6.09.2004
Bilis ng Mata
Batman dumayo sa Batangas
Nanang ko po! Matagal na pala ng huli akong magsulat dito... Mahigit isang taon na naman ang lumipas. Hay naku! Dapat Medyo sipagin na ak...
-
Agosto 8, 2007, ipinagdiwang ng aking Nanay ang kanyang ika-75 na kaarawan. At bilang tanda ng aming pagmamahal, naisipan naming mga kapatid...
-
Noong nakaraang Nobyembre 1, Araw ng mga Patay, may kung anong kakulitan ang sumapi sa utak ng aking pamangking si Nonoy. Gamit ang camera n...
-
TROPA - grupo o samahan, kaibigan TUNAY - totoo, di plastik Akala ko, tuluyan ko ng iniwan ang ChaTv noong 2008 dahil sa mga personal na d...
No comments:
Post a Comment