Matapos naming maibigay at mabasa ang aming mga sulat para kay Nanay, nagulat kaming lahat sapagkat may mga liham din pala sya para sa aming magkakapatid. At ito ang nilalaman ng kanyang sulat sa akin:
Dear tam,
Alam kong sa kabila ng iyong pagiging abala sa trabaho ay nabigyan mo ng panahon ang aking ika-75 na kaarawan. Maligaya ako at tayo'y sama-sama sa araw na ito. Wala akong masabi maliban sa maraming salamat sa Panginoon.
Dalangin ko, na nawa'y huwag kang magkasakit at maging ligtas sa anumang karamdaman. Alam mo naman kung paano mo aalagaan ang iyong sarili upang hindi magkasakit. Bawal magkasakit. Masakit sa bulsa.
Mag-ipon para sa iyo, para sa iyo at para sa iyo pa rin. Tawa naman diyan. Ikaw ang bunsoy naming lahat.
Maraming salamat
God Bless You
Nagmamahal,
Inay
Batman dumayo sa Batangas
Nanang ko po! Matagal na pala ng huli akong magsulat dito... Mahigit isang taon na naman ang lumipas. Hay naku! Dapat Medyo sipagin na ak...
-
Agosto 8, 2007, ipinagdiwang ng aking Nanay ang kanyang ika-75 na kaarawan. At bilang tanda ng aming pagmamahal, naisipan naming mga kapatid...
-
Noong nakaraang Nobyembre 1, Araw ng mga Patay, may kung anong kakulitan ang sumapi sa utak ng aking pamangking si Nonoy. Gamit ang camera n...
-
TROPA - grupo o samahan, kaibigan TUNAY - totoo, di plastik Akala ko, tuluyan ko ng iniwan ang ChaTv noong 2008 dahil sa mga personal na d...
No comments:
Post a Comment