Tampokna
Alternatibong blag ko...
6.08.2010
Batman dumayo sa Batangas
5.05.2009
TROPANG TUNAY
TUNAY - totoo, di plastik
Akala ko, tuluyan ko ng iniwan ang ChaTv noong 2008 dahil sa mga personal na dahilan. Enero 2007 noon ng magsimula kong makahiligan ang TV Chat, tambay ako ng DCK (karaoke channel). Nakikipagunahan ako sa request box, hindi dahil gusto kong kumanta, kundi natutuwa lang ako pag nakikita ko ang pangalan ko sa TV screen, saka yung may "nahuhulog" pag nauunahan ko sa box (sama ko!). Nagkaroon ako ng mga kaibigan at kakilala at mga kaaway (lalo na kung baragan). Napasali din ako sa grupo na puro babae, at ako lang ang lalaki dati siyempre, ang STARLETZZ. Dito naging kasama ko sina NANAY, CINDYRELLA, MAYUMI, WHITEGHOST, PIPAY (o PHINES). Ngunit dumating kami sa puntong kailangan naming maghiwahiwalay, bagama't patuloy akong may komunikasyon sa kanila. 2008 ng tuluyan akong lumayo sa Tv chat.
Nitong Enero 2009, naisipan kong sumilip sa chatroom at sinubukan kong muling mag-chat, andun pa din sina NANAY at CINDYRELLA, pero ngayon sa DESTINY na. Nakikita ko pa din si PIPAY.
Di ko akalain na muli kong mararamdaman ang saya sa pakikipag-chat. Bagama't naging moderators ako ng 2 internet forum (ang TitikPilipino (kasalukuyang under re-construction) at ang dating PinoyRapTalk), kakaiba pa din ang feeling pag sa TV mo nakikita ang pangalan mo. *Sana nga maayos na ang TitikPilipino, miss ko na din mga kasama ko doon.*
Puro bago na halos at mga bata ang mga chatters, or siguro inakala ko sa dahilang di ko na sila kilala. At tulad sa isang newbie, sabik ka na muling mapabilang sa isang grupo. At dito ko nakilala ang TROPANG SNAKZ, isang grupo na iba ang dalang kulit at saya sa pagcha-chat, dagdag pa na pretty sina NAGOYA at ARURAY. :)
Di ko inakala na mapapasali ako dito. Nagpadaan lang ako ng mensahe na "ano kayang grupo ang aampon sa akin", na sinagot naman ni NAGOYA ng puwede daw ako sa tropa.
Ayun, at ang kasabihan nga, the rest is history! Naks, English yun ah!
At makalipas ang pagpapalit ng pangalan ng tropa sa TROPANG TUNAY, pagbabago ng mga miyembro at kasapi dito (may bagong sasama, may aalis, may nateterminate..kasi ayaw namin ng PASAWAY), maituturing na lalong pinapatunayan ng tropa ang pagiging TUNAY. Hindi na kasi ito isang simpleng chat group lang, isa itong PAMILYA na may PUSO. At sa patuloy na pagtutulungan ng bawat miyembro, higit na nagiging matatag ang samahan: may tagayan kahit sa text, may mga munting EB, may updates ukol sa lagay ng panahon, sports at iba, may kuwentong love story sa mga GMs, at action kapag may pasaway at baragan o simpleng away magkasintahan. Saan ka pa?
Eto ang rampa ko:
TROPANG,TUNAY
TROPANG,TUNAY
TROPANG,TUNAY
TROPANG,TUNAY
TROPANG,TUNAY
Para sa mga Lalaki
Nitong mga nakaraang taon, nakita natin ang pagbabago sa pananaw ng mga lalaki tungkol sa pansariling kalusugan at kaayusan. Natuto na silang tumangkilik ng mga bagay na nakakadagdag sa mga "pogi points" o mga pandagdag atraksyon para sa mga babae. Pati mga produkto na dati ay mga pambabae lang, ay makikitang sumasakay sa pagbabago ng panahon. Dati pabango lang at deodorant ang meron, tapos nagkaroon ng shampoo, facial wash, facial scrub, lotion, lip gloss, etc. Pati nga eyeliner ngayon mabenta na rin dahil sa mga EMOng lalaki.
Pero isang produkto ang tumawag sa aking pansin, na kung malisyoso kang mag-isip (gaya ko... hehehe), malalaman mo ang ibig kong sabihin. Ito ay ang Sabon Para sa mga Lalaki. Pasalubong ito sa akin ng isang kaibigan galing US. Hindi nya din siguro naisip yung naisip ko. Eto:
Ang SOFTSOAP (ulitin mo nga?).
Hindi ba nakakatawa? Or ako lang talaga ang malisyoso? Baka nga ako lang... hehehe.
Isip ko nga, siguro Pilipino ang nakaisip ng pangalan ng produktong ito. Ang Pinoy nga naman! :)
PeaCe!
May0 05, 2009
Ayun, katatapos na naman ng laban ni Pacquiao kay Hatton nung linggo. Ayun, kawawang Hatton, di na pinatagal ni Pacquiao ang laban. Mabuhay! Sa pangalawang round pa lang, pinatunayan ni Pacquaio na sya ang "best fighter" ngayon.

12.09.2008
Astone UMPC - Ang Bago Kong Kaibigan
Ilang araw ko ding pinag-isipan kung bibilhin ko na ba talaga sya, ilang tindahan na din ang aking pinagtanungan, at ilang laptop notebook pa ang aking pinagpilian bago ako nakapagdesisyon.
Matagal ko na kasing gustong bumili ng laptop (pati camera, at PSP.... hehehe). Kaso kulang ang aking pera (o wala talaga akong pera). Yung gusto kong camera, mula 18,000 hanggang 25,000 pesos. Aba! Hindi ako ganun kayaman. Yung PSP, medyo mababa presyo, pero kailangan ko ba talaga? At ito ngang laptop, na magagamit ko talaga... pero mga mahal ang mga nakita ko. Hanggang sa makita ko nga ang Astone UMPC (Ultra Mobile Personal Computer).
Processor: VIA C7-M ULV 1.2Ghz (FSB400) on-board
Sa bluetooth at wifi nga lang, solve na ako, eh idagdag mo pa card reader at kung gaano sya ka-portable.
Kasalukuyan ko pang sinusubukan at binubutingting ang aking umpc. Pero sa aking tingin, magiging mabuti kaming magkaibigan.
11.28.2008
Si Nonoy Abnoy at si Pia Piyaya
Para sa iba pang videos, search nyo lang si "Nonoy Abnoy" o kaya "DarkcrowProductions"
Salamat!
Get a Chance to Win a Sony Ericsson C902 Cyber-shot Phone!
8.27.2008
Amerika... Amerika
8.02.2008
La Visa...
Kung tutuusin, madali lang naman mag-ayos ng Bisa eh. Mabuti na lang at may internet na, kaya pagkatapos makapag-download ng form sa internet, ang kasunod na ay ang pagbabayad sa bangko. Pero malaki din yun ha, 131.00 dolyares, para lang sa application. Ma-aprub ka o hindi, nagbayad ka na. Ang kasunod ay ang pagkuha ng appointment. Dati rati matagal bago makakuha ng skedyul, baka abutin ka ng 2-3 buwan. Pero ng tumawag ako sa telepono (panibagong bayad ito, at MAHAL ang singil ng Embahada ng Amerika dito), napa-eskedyul ako ng halos 2 linggo lang pagkatawag ko. Kaya ayun, nagmadali naman ako ng pag-aayos ng mga papeles atbp! Kailangan ko ng pera sa banko, bank statement, mga katibayan na may rason ako para bumalik ulit sa Pilipinas. Takot lang nilang mag-TNT ako, hehehe... Baka nga daw mahirapan ako kasi BINATA pa ako. Alangan namang magpakasal muna ako at mag-anak dahil lang dito!
Maluwag daw sa pagkuha ng US Visa ngayon dahil sa nagaganap na recession, pero di ko inisip yun, basta mag-aapply ako, maluwag man sya o hindi, dahil kailangan.
At dumating ang aking skedyul, maaga pa lang ay andun na ako sa US Embassy. 1:30 ng hapon ang aking appointment, pero 11:00 pa lang ng umaga andun na ako. Hindi ako excited, kaso yun ang schedule ng kasama ko, alangan namang magpaiwan pa ako. Saka malay mo makapasok din ako ng maaga. Kaso hindi! Kaya ayun, pinaghintay ako sa init ng araw! Akala ko nga magiging daing o tuyo ako bago matapos ang araw!
Naglagay pa ako ng aspili o perdible sa collar ng polo ko! Sabi kasi ng nanay ko at ate ko, pangontra yun sa "masamang" elemento. Lahat ng ate at kuya na nag-abroad, ganun ang ginawa, kaya ayun maluwalhati silang naka-alis. Eh yung pamangkin ko, hindi daw sinunod yun, kaya medyo inalat ng konti. Mabuti na lang nakaalis din. Wala namang mawawala kung susundin eh hehehe.
At ng dumating na ang oras ko, deretso lang ako sa loob. Bitbit ang lahat ng dokumento ko, sinundan ko at dinaanan ang lahat ng windows, finger printing, etc.
At sa wakas, dumating ako sa dulong proseso, ang interview ng consul mismo. Matiyaga akong naghintay na tawagin ako. Inabot ko pa nga ang kasama ko doon. Iisa lang ang dasal namin, " huwag sana sa numero 10" (kasi lahat ng napunta sa consul na yun, puro luhaang umalis, DENIED lahat). Yung kasama ko, swerte nya at sa #9 siya napunta. Hintay pa din ako. At tinawag na ako, whew! numero 8 ako! Yippeee!
Paglapit na paglapit ko pa lang, inunahan ko na agad ng bati si Kano, "Hi good afternoon" (tip din kasi sa akin yun)! medyo nagulat pa ang dyaske! At nagsimula na akong tanungin ng Kano, "Why are you visiting the US, Where are you staying, What is your line of work, etc.. ", na sinagot ko naman ng totoo. Tapos bigla tanungin ba ako ng "Are you still single?", medyo kinabahan ako, ito na ba ang kinatatakutan ko? Sinagot ko naman ng may pagmamalaki, "YES I AM"... tapang!
Tumingin sya sa akin saglit, sabay abot ng papel.... sabi kasi kapag inabot sa yo yung DILAW na papel, tanggap ka na. Eh medyo madilim, saka hindi nakangiti ang damuho.... dilaw ba ang inaabot nya sa akin?
At pagkahawak ko sa papel, DILAW!!!!!! Aprub ang visa ko! Humangos ako sa last counter, para ayusin ang pagdedeliver ng passport ko na may tatak ng VISA ko!
Amerika, papunta na ako dyan!
7.29.2008
Passport, Sir Ma'am, Passport

Passport... Ilang beses ko ipinagpaliban ang pagkuha nito. Bagama't alam ko na kakailanganin ko ito balang araw, hindi pa rin ako nagmadali na kumuha nito. Bakit? Dalawang kadahilanan: 1. May konting "problema" sa aking birth certificate (nagkamali ng pagbaybay ng apelyido ko ang clerk sa aming bayan, kaya iba ang napatala sa NSO) ; 2. Hindi ako nagmamadali na makapunta sa ibang bansa.
Pero dumating ang panahon na kakailanganin ko na palang mag-ayos nito. Napagkasunduan ng Amerikanong partner namin sa trabaho na papuntahin kami sa Amerika para doon gawin ang taunang "business planning" kesa sa siya ulit ang pumunta dito. Kaya ayun, nagkukumahog ako sa pag-aasikaso.
At tulad ng inaasahan, unang kailanganin kong ayusin ay ang problema ko sa birth certificate. Kung bakit naman kasi yung apelyido namin ay dapat "Z" pero laging isinusulat na "S". Hindi naman kami mali ng pagbigkas. Minsan nagtataka na rin kami, na baka ang tatay ko talaga ang mali ng sulat ng kanyang apelyido (hehehe). Kahit silang magkakapatid ay hindi magkasundo kung ano talaga ang tama, kung"S" ba o "Z". Pero pinanindigan ng tatay ko ang "Z" (siguro bukod sa maganda ang tunog, mas sosyal at mas mayaman ang dating hehehe).
At matapos ang ilang buwang pag-aasikaso ng aking birth certificate, bagama't wala pa ding desisyon, nagpasiya na akong kumuha ng pasaporte. Aabutin daw kasi ng ilang buwan pa bago magkaroon ng desisyon yung request ko na maitama ang apelyido ko, kaya humingi na lang ako ng mga katibayan na may petisyon na ako para maitama ang aking apelyido.
At dala ang lahat ng kailangan ko, nagpunta ako sa DFA para mag-apply ng pasaporte. Ganun pala katindi ang dami ng kumukuha ng passport doon! Mabuti na lang at nawarningan na ako tungkol sa mga "raket" dun sa may labasan kaya't naiwasan ko! Dumating yata ako na kumpleto na lahat ng forms ko, pati mga kakailanganing notaryo, stamp, litrato. Nadinig ko nga sa mga nakapila na siningil sila sa mga thumbmarks nila ng 15 pesos bawat daliri! Dahil sa haba ng pila, talagang mapipilitan kang makipag-usap sa mga tao, maki-amoy sa lahat ng klase ng amoy na andun, makipagsiksikan, makipag contest sa patagalan ng pagtayo, atbp. At yun ay sa sa filing pa lang! Bukod pa ang araw ng mismong "appearance" at panibagong pag-fill up ng mga forms. Mabuti na lang at may mga naging kaibigan ako habang ako ay nakapila. :D Mahirap pero masaya ang buong proseso. Kasi siyempre, excited din ako na magka-passport. hehehe.
Makalipas ang isang linggo, oras na para sa aking "appearance". Ngayon, mas konti na lang ang tao kasi scheduled na lahat, saka medyo dun na sa malamig na lugar ang hintayan. Hndi kami nagkita ng aking mga bagong kaibigan. At ng andun na ako sa "processing", ayun, may konti daw problema ang litrato ko. Sabi ko inaprubahan na yan ng unang magpunta ako bakit ngayon sasabihin na hindi puwede? May guhit daw na nakikita, kaya kailangan ko daw magpakuha ulit doon sa booth nila. At ano pa ba magagawa ko, hindi rin ako nakaligtas sa raket nila. Siningil ako ng 150 pesos para sa litratong mas pangit pa sa dati kong litrato na binayaran ko lang ng 60pesos. Hay! Raket talaga. At hindi lang ako ha. Halos lahat ng nag-apply nung araw na yun, pinapalitan ang mga litrato.
At makalipas nga ang dalawang linggo, ayun, nahawakan ko na rin ang aking Pasaporte. Sulit ang pagpila ko sa DFA. Wag lang isipin na na-raket din ako. hehehe. Mas mahalagang isipin na sa wakas, may passport na ako, at may mga naging kaibigan pa ako na patuloy ko pa ding nakakatext, at nasa Friendster ko!
Updeyt Updeyt
Walandyo, Marso pa pala ng huli akong magsulat dito. Hindi ko namalayan na ganun na pala katagal yun. Hirap pala pag nagiging abala sa trabaho, hehehe.
Hmmm, ano na ba mga kuwento ko? Madaming madami!
Pero bago ko isa-isahin yun, bibigyan ko muna kayo ng teaser, ika nga...
1. May passport na din ako sa wakas.
2. Nakapag-apply na din ako ng US Visa (whew)
3. Galing na ako sa Amerika (hehehe)!!!
4. Pupunta ba ako ng Thailand?
5. Nanood ako ng Dark Knight (astig)!
6. Abala din ako sa pagtratrabaho...
7. Bumabalik hilig ko sa comics, at pag-drodrowing
8. Mahilig pa din ako sa Musika
9. Nag-iisip ako ng mga bagong pagkakakitaan
10. Abala ako sa pagdami ng friends ko sa Friendster at Myspace, ayaw ko ng dagdagan ng Facebook :D
Ayan lang muna... hehehe.. hanggang sa susunod!
Batman dumayo sa Batangas
Nanang ko po! Matagal na pala ng huli akong magsulat dito... Mahigit isang taon na naman ang lumipas. Hay naku! Dapat Medyo sipagin na ak...
-
Agosto 8, 2007, ipinagdiwang ng aking Nanay ang kanyang ika-75 na kaarawan. At bilang tanda ng aming pagmamahal, naisipan naming mga kapatid...
-
Noong nakaraang Nobyembre 1, Araw ng mga Patay, may kung anong kakulitan ang sumapi sa utak ng aking pamangking si Nonoy. Gamit ang camera n...
-
TROPA - grupo o samahan, kaibigan TUNAY - totoo, di plastik Akala ko, tuluyan ko ng iniwan ang ChaTv noong 2008 dahil sa mga personal na d...