Ah, huwebes na! Bukas, Biyernes na. Ilang araw na lang eleksyon na. At kaalinsabay ng pag-angat ng teknolohiya ang katakot-takot na dami ng nakakapanindig-balahibong kalokohan sa internet! Tulad sa ibang bagay, kapag may kabutihan, mayroon ding kasamaan. Ngayon tingnan natin ang ilan sa mga ito: (Sa tonong ala-Mike E.) At ngayong eleksiyon, aba, mahahanap mo na ang presinto na pagbobotohan mo sa internet. Aprub! Pero, teka, bakit nawawala ang pangalan ko! Nagkadayaan na yata, hindi pa man eleksiyon! Bukod dito, katakot-takot din ang kumakalat na paninirang-puri ng mga kandidato sa kapwa kandidato! Aba, ito ba'y makatao? Kasi di daw naman malalaman kung saan nagsimula at nag-ugat ang mga ito! "Black propaganda" daw! Aba, sino ang niloloko niyo??? Ang taumbayan? hehehe.
Kaya ating timbangin muna lahat... ito ba ay makatwiran? Ingat lang! Baka di tayo tantanan!
Ah, Teknolohiya, anong hiwaga mo... nakakaaliw ka... at nakakabaliw!
5.06.2004
Unang Tampok (Huling yugto)
Batman dumayo sa Batangas
Nanang ko po! Matagal na pala ng huli akong magsulat dito... Mahigit isang taon na naman ang lumipas. Hay naku! Dapat Medyo sipagin na ak...
-
Agosto 8, 2007, ipinagdiwang ng aking Nanay ang kanyang ika-75 na kaarawan. At bilang tanda ng aming pagmamahal, naisipan naming mga kapatid...
-
Noong nakaraang Nobyembre 1, Araw ng mga Patay, may kung anong kakulitan ang sumapi sa utak ng aking pamangking si Nonoy. Gamit ang camera n...
-
TROPA - grupo o samahan, kaibigan TUNAY - totoo, di plastik Akala ko, tuluyan ko ng iniwan ang ChaTv noong 2008 dahil sa mga personal na d...